WORLDBANK: Isa lang ang marunong bumasa sa sampung batang nasa edad 10
- Karina Iglesias
- Nov 24, 2021
- 2 min read

๐๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐๐ง๐ค: ๐ฌ๐ข๐ฒ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ฌ๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ง๐ ๐ง๐๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฌ๐
Tinatawagan ng ilang senador ang Department of Education (DepEd) para sa pagkuwestiyon sa paglabas ng ulat ng World Bank na nagpakita na siyam sa bawat sampung batang Pilipino na may edad 10 ay hindi marunong bumasa.
Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay may 90% na kahirapan sa pag-aaral, na tinutukoy nito bilang ang rate ng mga bata na hindi na marunong magbasa sa edad na 10.
Inipinag-bigay alam ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tungkol dito noong Lunes sa plenary deliberation para sa budyet ng DepEp para sa taong 2022.
"Nakakatakot po ito โ 'yung ating mga kabataan, pagdating ng susunod na henerasyon, ay mangmang"
Tinugunan naman ito ni Senator Pia Cayetano na hindi patas ang ginawa ng World Bank na ilabas sa publiko ang report na ito nang hindi kinokonsulta man lang ang DepEd. Pinaalala niya na ito din ay ginawa ng World Bank noong July.
Nagpahayag ng pagkadismaya si Drilon sa mga pahayag ni Cayetano, na sumasalamin din sa paninindigan ng DepEd.
Aniya, huwag kalimutan ang kasabihan na "Don't shoot the messenger" sapagkat ang World Bank ay isa lamang mensahero ng bansa para sa edukasyon at kung ano ang magiging problema na kakaharapin ng bansa dahil sa kakulangan ng resources para sa edukasyon.
Sinang-ayunan ito ni Senate Richard Gordon at sinabi na marapat lamang na alamin nila kung ano ang kaukulang kilos ang maaari nilang gawin tungkol sa problemang ito.
Nilinaw naman ni Cayetano na walang balak na isawalang-bahala o pagtakpan ang report ng World Bank.
Ayon pa kay Cayetano ay hindi maintindihan ng DepEd ang nakalap ng World Bank at marahil ay binase ito sa hindi magandang pagganap ng Pilipinas sa Programa para sa International Student Assessment o PISA.
Ngunit sumali ang Pilipinas sa PISA noong 2018 samantalang ang pag-aaral na isinagawa ng World Bank ay ngayong pandemya.
Idinagdag pa niya na ang kakulangan ng face to face classes ang isa sa mga sanhi ng problemang ito na siyang ginagawan na ng paraan ng gobyerno tulad ng pagtaas ng kalidad ng mga guro, pag-implementa ng mga reading programs at pagsusuri sa kurikulum.
Comments