top of page

SINOVAC, inaayawan ng mga residente sa Quezon

  • Writer: Howard Marquez
    Howard Marquez
  • Nov 26, 2021
  • 1 min read

𝐒𝐈𝐍𝐎𝐕𝐀𝐂 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐒𝐀 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍, 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐈𝐌𝐁𝐀𝐊 𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐀𝐘𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄


Aabot sa 37,000 na Sinovac vaccines ang nakaimbak at nabuburo sa Quezon province dahil maraming residente ang may ayaw magpaturok nito.


Ayon kay Dr. Tiong Eng Roland Tan, assistant department head ng integrated provincial health office ng Quezon, malaking problema sa probinsya ang pagpili ng brand ng bakuna ng mga residente at ang pagdadalawang-isip ng mga ito.


Matapos ang isang pagpupulong ng mga health office representative ng bawat lalawigan ng Calabarzon sa Batangas City, noong Huwebes ng umaga, sinabi ni Tan na ang isang bayan sa Catanauan ay mas gusto ang Moderna kaysa sa Sinovac


Dagdag pa ni Tan, “Kahit po hindi nila sinasabi ‘yong vaccine, ‘pag pumila na po ‘yong mga tao, kapag nalaman na Sinovac, nag-aalisan daw po ‘yong mga tao,”


Nasa 37,000 na umano ng Sinovac vaccine o CoronaVac ang hindi pa rin nagagamit at nakaimbak lamang sa provincial health office ng Quezon hanggang ngayon.


Para naman kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., ang mga Sinovac vaccine ay “major contribution” sa pagbabakuna ng publiko sa bansa. “Kung hindi tayo bumili ng Sinovac, palagay ko hanggang ngayon, wala pa tayo sa kalahati ng nababakunahan natin,” saad ni Galvez.


Dagdag pa niya, dumating lamang ang mga Western brand vaccine simula noong Agosto kaya higit sa 50 porsyento ng mga nagamit na bakuna sa bansa ay Sinovac.

Comentarios


bottom of page