Polymer banknote, ilulunsad na sa April 2022
- Mary Joy Angustia
- Dec 11, 2021
- 1 min read

๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐,๐๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ, ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ค๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐จ ๐๐๐ง๐ญ๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ
Pinahintulutan ng National Historic Institute (NHI) ang bagong disenyong likha ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa bagong ilalabas na 1,000 peso bill kung saan papalitan ng Philippine Eagle at iba pang mga likas yaman na matatagpuan sa bansa ang mga bayaning sina Vicente Lim, Josefa Llanes, at Jose Abad Santos.
Matatandaang inanunsyo kamakailan ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na maglalabas nga sila ng polymer 1,000-piso banknote sa darating na taon, sa buwan ng Abril.
Dagdag pa niya, ang issuance ng mga ito ay aprobado na rin ng Monetary Board at maging ang Office of the President.
Ayon sa BSP, ang P1,000 banknote ay gawa sa polymer at sinasabing environmentally friendly, hygienic,at cost-effective kumpara sa dating materyales na ginagamit sa bansa tulad ng abaca o bulak.
Ang nasabing polymer bills ay ginagamit na rin sa Australia, Canada at United Kingdom na may kamahalan nga lang ang pag-imprenta, ngunit matagal naman umanong masira.
Comments