top of page

Pangulong Duterte, kinukumbinsing tumakbong Senador sa Halalan 2022

  • Writer: Byron Peter Nocon
    Byron Peter Nocon
  • Nov 1, 2021
  • 1 min read

Updated: Nov 23, 2021


PDP-LABAN, kinukumbinsi si Pangulong Duterte na tumakbong Senador sa Halalan 2022


Kinukumbinsi at hinihikayat ngayon ng partidong PDP-LABAN si Pangulong Duterte na tumakbong senador sa darating na halalan sa 2022 matapos ihinto ng chief executive ang kanilang planong pagkuha sa pwesto sa pagka-bise presidente.


Pinahayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa isang press conference na sinusubukan ng partido na kumbinsihin ang pangulo na tumakbo para sa senado.


Aniya, kung sakaling sundin ni Duterte ang kanilang mungkahi ay maaari rin siyang maging tagapamahala ng kampanya ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa at Sen. Christopher Lawrence "Bong" Go sa posisyon na presidente at bise-presidente.


Pahayag ni Cusi na ang pangulo ang "best fit" para sa pagpapalakas ng kampanya ng Bato-Go tandem sa dadating na halalan sa susunod na taon.


"If the President would not run (for vice president) because he is firm on his decision not to go back on his word, I said, why not run for the Senate, so he could bring change there? That will be good for the country,"















Comments


bottom of page