top of page

P 1-BILYON para sa mga PUV Drivers

  • Writer: Karina Iglesias
    Karina Iglesias
  • Dec 2, 2021
  • 1 min read

โ‚ฑ1 ๐˜ฝ๐™ž๐™ก๐™ฎ๐™ค๐™ฃ, ๐˜ฝ๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ-๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‰๐™œ ๐™‚๐™ค๐™—๐™ฎ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™ค ๐™‹๐™–๐™ง๐™– ๐™Ž๐™– ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™‹๐™๐™‘ ๐˜ฟ๐™ง๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ


Magpapataw ng panibagong pagtaas ng presyo ng langis ang mga kumpanya ng langis sa Lunes kaya't nakatakdang maglabas ang gobyerno ng โ‚ฑ1 bilyon na tulong pinansyal sa mga driver ng public utility vehicle (PUV) na apektado nito.


Sinabi ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) noong Lunes na mamamahagi ito ng mga cash grant sa susunod na mga buwan ng humigit-kumulang 178,000 na tatanggap na kukunin mula sa pondo na ilalaan dapat para sa mga hindi pa nakaprogramang proyektong pang-imprastraktura at mga programang panlipunan.


Ito ay pansamantalang hakbang upang hindi mabigla sa pagtaas ng presyo ng langis ang mga PUV Drivers na siyang pangungunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Nangyayari ito habang umaapela ang ilang transport group na itaas ang pamasahe sa jeep ng โ‚ฑ2 hanggang โ‚ฑ3 dahil sa kinakaharap nilang hirap dahil sa pagtaas ng presyo ng langis ngayong panahon ng pandemya.


Nanindigan ang Department of Transportation na labag pa din ito sa ideya na magpataw ng dagdag-pasahe.


"Mas mabuti pong tinitingnan namin ang ibang pamamaraan" Ani ni Transportation Secretary Arthur Tugade.


Kasama na dito ang mga subsidies at discounts sa mga PUV, pagtaas ng kapasidad sa pagpapatakbo at iba pa.


Ayon kay Jojo Martin, National Vice President ng Pasang Masda, halos 80% ng mga jeepney driver and hindi pa nakakatanggap ng dating ipinangako ng gobyerno na tulong pinansyal sa gitna ng pandemya.



Comments


bottom of page