top of page

Nash Aguas at Jolo Revilla, tatakbo sa Halalan 2022 sa probinsiya ng Cavite

  • Writer: Jerome Cabaltera
    Jerome Cabaltera
  • Nov 22, 2021
  • 1 min read

Updated: Nov 23, 2021


𝙉𝙖𝙨𝙝 𝘼𝙜𝙪𝙖𝙨 𝙩𝙖𝙣𝙜𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡,

𝙅𝙤𝙡𝙤 𝙍𝙚𝙫𝙞𝙡𝙡𝙖 𝙩𝙖𝙩𝙖𝙠𝙗𝙤 𝙨𝙖 𝙆𝙤𝙣𝙜𝙧𝙚𝙨𝙤


Nagpapatuloy ang paghain ng kandidatura ng ilang celebrities nitong Huwebes dahil sa papalapit na halalan. May mga iilan din na naghain na ng certificate of candidacy sa lalawigan ng Cavite gaya nina Jolo Revilla at Nash Aguas.


Nais tumakbong kongresista sa unang distrito ng Cavite si incumbent Vice Governor Jolo Revilla matapos ang tatlong taong termino nito, samantalang susubok namang kunin ng aktor na si Nash Aguas ang posisyon na konsehal sa Cavite City, kung saan isa siya sa pinakabatang kandidato sa edad na 23.


Orihinal na nakatira si Revilla sa Bacoor City, ang ikalawang distrito ng Cavite, pero lumipat na umano siya sa bayan ng Rosario noong nakaraang taon.


Matagal na po tayong nakatira sa Rosario, Cavite. More than a year ago nakalipat na po tayo dito po sa unang distrito.

May nais ding sabihin ang aktor na si Nash Aguas sa mga kritiko nito na nagsasabing masyado pa syang bata upang mahalal sa posisyon.


Sa totoo lang ho, oho, masyado akong bata. Pero sasabihin ko sa 'yo, masyado rin naman akong bata nagtrabaho ha? At the age of 5, nagtrabaho na ho ako. At the age of 17, nag-start akong mag-invest ng real estate properties. At the age of 19, nakapagpatayo po ako ng mga passive incomes outside showbiz.

Samantala, sa kabila ng kritiko, tuloy na tuloy na ang kanilang pagkatakbo sa darating na Halalan 2022.

Comments


bottom of page