Mga menor de-edad, babakunahan na rin
- Karina Iglesias
- Oct 28, 2021
- 1 min read
Updated: Nov 23, 2021

𝙀𝙙𝙖𝙙 12-17, 𝙥𝙖𝙜𝙡𝙖𝙡𝙖𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝘾𝙊𝙑𝙄𝘿-19 𝙑𝙖𝙘𝙘𝙞𝙣𝙚𝙨
Kasama sa pilot vaccination ang mga kabataang edad 12-17 sa paglalaanan ng 2.8 million na bakuna na dumating nitong nakaraang araw sa Pilipinas.
661,100 dito ay AstraZeneca at 2.1 million naman ay Moderna. Ang 1.3 million dito ay binili ng gobyerno, samantalang ang 477,600 naman ay mga order mula sa mga pribadong sektor.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. ay humigit-kumulang 45,000 hanggang 50,000 ang ilalaan na vaccine para sa mga kabataan na may edad na 12 hanggang 17 anyos sa mga piling ospital sa Metro Manila.
Samantala, ang bagong gamot na "Ronapreve" ay isang monoclonal antibody treatment na siyang makatutulong laban sa COVID-19.
Ayon kay infectious disease expert Rontgene Solante ay safe ito para sa mga edad 12 anyos pataas, pwede sa matatanda at mataas ang proteksiyon nito. Hinihintay na lamang ang pag-apruba para sa bagong gamot na ito.
Commentaires