top of page

'Mental Health Care Act' nais paigtingin ni Deputy Speaker Loren Legarda

  • Writer: Howard Marquez
    Howard Marquez
  • Oct 28, 2021
  • 2 min read

Updated: Nov 23, 2021


๐˜ฟ๐™š๐™ฅ๐™ช๐™ฉ๐™ฎ ๐™Ž๐™ฅ๐™š๐™–๐™ ๐™š๐™ง ๐™‡๐™ค๐™ง๐™š๐™ฃ ๐™‡๐™š๐™œ๐™–๐™ง๐™™๐™–, ๐™ฃ๐™–๐™ž๐™จ ๐™ฅ๐™–๐™ž๐™œ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™ ๐˜พ๐™–๐™ง๐™š ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ


Nais pang paigtingin ng dating Senadora at ngayoโ€™y Deputy Speaker na si Loren Legarda ang Mental Health Care Act (MHCA) matapos nitong makita ang pagtaas ng numero ng mga nagpapakamatay sa bansa.


Ayon sa kaniyang pahayag noong Lunes, kinakailangang ibigay ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito upang matulungan ang mga Pilipinong nasa hindi maayos na kalagayan, lalo na ang may mga problema sa kanilang kalusugang mental ngayong pandemya.


Nabahala ang dating senadora sa biglaang pagtaas nang hanggang 57 porsiyento ng numero ng nagpapakamatay noong 2020 kumpara noong 2019.


Aniya, sa pandemyang ating kinakaharap sa ngayon, kinakailangan din nating alagaan ang ating kalusugang mental upang mabuhay.




Dagdag pa niya, ang Republic Act 11036, isa sa mga batas na kaniyang inihain, na tumutukoy sa Phillippine Statistics Authority data na nagpapakita ng suicide incidents ay makatutulong at mapakikinabangan sa pagharap sa mga pagbabago na bunsod ng krisis na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.


Ayon sa kaniya, sa kabilang pagpapabuti ng kamalayan ukol sa kalusugang mental ay isa pa rin ito sa mga aspetong madalas na hindi iniintindi ng mga awtoridad at sa ating lipunan.


Matagal nang nababahala ang mga eksperto na magiging sanhi ng problema sa kalusugang mental ng mga tao ang pandemya. Lalo paโ€™t sa mga nagdaang lockdowns, napilitang manatili sa kani-kanilang tirahan ang mga tao na siya ring naging dahilan kung bakit ang iba ay nakararanas ng pang-aabuso.


Nabanggit din ng Department of Education na isa rin ang kalusugang mental sa kanilang mga pangunahing inaalala sa paglipat sa online learning.


Ang ilang problema sa online class ay sanhi ng kawalan o kakulangan ng pakikipag-ugnayan ng mga guro at estudyante, gayundin ang pagkabigo ng mga estudyante dahil sa hindi nakaya ang financial demands sa virtual learning.





Comments


bottom of page