Lagay ng simbang gabi ngayong pandemya
- Jasmin Escobar
- Dec 16, 2021
- 2 min read

๐๐๐ ๐ง๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐๐ข
Sinimulan na ng lahat ng police station heads ang pagmamapa ng mga hakbang sa seguridad at kaligtasan para sa tradisyonal na misa ng madaling araw (Simbang Gabi) na magsisimula ngayong Disyembre 15.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos na mas maraming pulis ang kailangang i-deploy para sa misa ng novena na humahantong sa misa sa bisperas ng pasko upang matiyak na maipapatupad ang health at safety protocols.
Naka-deploy din ang mga pulis sa paligid ng mga mall na may mas mahabang oras ng operasyon tuwing Holiday season, night markets, food parks, mga terminal ng pampublikong sasakyan at mga daungan.
Kakayanin ng mga simbahan ang 70 porsiyento ng karaniwang kapasidad kung sinusunod ang physical distancing at pagsusuot ng mask.
Inirekomenda ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na maaaring magsimula ang Simbang Gabi sa ganap na alas-6 ng gabi para sa inaasahang misa at misa sa umaga sa ika-6 ng umaga.
Sinabi ng PNP chief na mas makikita ang mga pulis na naglalakad at mobile patrol, at pinaalala na hindi dapat maalarma ang publiko kapag nakakita ng mga police mobile unit na may mga kumikislap na blinker, ngangahulugan lamang na ang PNP ay nasa paligid lamang at handang magbigay ng tulong kung kinakailangan, ayon kay Carlos sa isang pahayag nitong Martes.
Ang mga lokal na yunit ng pulisya ay magbabantay din sa mga kriminal na gawain at maaring sangkot sa mga karaniwang krimen tulad ng mugging, swindling, gang wars, at pagnanakaw sa mga tirahan na walang bantay.
Nauna nang sinabi ni Maj. Gen. Vicente Danao Jr., hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na muling gagamit ang mga opisyal ng rattan sticks (yantok) upang matiyak na ang ligtas na physical distancing ay sinusunod sa mga simbahan.
Ang mga tauhan ng NCRPO ay mag-uulat din para sa tungkulin sa mga lugar na malapit sa kanilang mga bahay bilang bahagi ng "work near home" policy at upang mabigyan sila ng pagkakataon na gumugol ng mas maraming oras sa kanilang mga pamilya.
Sinabi ni Danao na papayagan ang community fireworks sa pagdiriwang ng Bagong Taon sa mga itinalagang lugar batay sa pag-apruba ng mga LGU.
Comments