top of page

Kumusta kaya ang mga college students ngayon?

  • Writer: Karina Iglesias
    Karina Iglesias
  • Oct 28, 2021
  • 3 min read

Updated: Nov 23, 2021


Ano nga ba ang 'daily routine' ng mga college students ngayong pandemya?



Nang magsimula ang pandemya, madaming pagbabago ang naganap sa ating buhay. Lahat ng mga normal natin na ginagawa ay limitado na ngayon.


Halimbawa na lamang sa mga college students. May iba na pagkatapos ng klase ay nagpupunta sa mga malls o bahay ng kaibigan, mayroon din mga dumidiretso ng computer shops upang maglaro, may mga papasok na sa trabaho at yung iba naman ay umuuwi na agad upang makatulong sa gawaing bahay.


Ngunit ang mga binanggit ay hindi na nila nagagawa madalas ngayon bagkus ay napalitan na ng ibang gawain. Dahil puro online class na ngayon ang mga college students, naging pangunahing problema sa kanila ay ang time management. Nasa bahay man sila ngunit hindi ibig sabihin nito ay madali nilang nagagawa ang mga activities at projects na ibinibigay ng mga guro. Sa sobrang dami ng mga ginagawa nila ay nagsasabay-sabay na minsan yung ibang mga kailangang tapusin.


Paano nga ba nila ito nakakayanan?


Magkakaiba ang simula ng oras ng klase ng mga college students kaya't magkaiba din ang routine nila sa umaga. May gigising ng maaga upang makapag-almusal at makaligo bago magsimula ang klase at mayroon din na kumakain muna bago magklase at saka lang sila maliligo pagkatapos kung mayroon silang oras sa pagitan ng dalawang klase nila. Sa mga hapon naman ang klase, gumigising pa din sila ng maaga.


Bukod sa pag asikaso nila sa sarili nila ay inilalaan nila ang oras sa umaga upang maisagawa ang mga kailangang tapusin. Kabaligtaran naman ito sa mga nagkaklase tuwing umaga. Inilalaan nila ang buong hapon nila sa pagtapos ng mga activities. Madalas ay tuwing dapit-hapon at gabi sila nagsasagawa ng mga meetings para sa group projects at activities nila sapagkat ito ang kadalasang oras na nagtutugma ang lahat. Madalas na oras ng pahinga nila ay kapag tanghalian at hapunan na.


Ngunit may mga pagkakataon na hindi na din nila maiwasan at gumagawa pa din sila habang kumakain. Kapag gabi na ay minsan busy pa din sila sa aralin ngunit may iba na nagpapahinga na nang maaga. Magbabasa ng mga nobela, manonood ng mga paborito nilang palabas, gumagawa ng mga arts and crafts o nakikisalamuha ng kaunti sa kanilang pamilya bago matulog.


Inilalaan nila ang mga ganoong aktibidad tuwing gabi upang hindi sila makaramdam ng burnout kinabukasan na siyang maaaring maging dahilan sa pagkawalan nila ng gana matuto. Kaya sinisikap nila matapos ang mga gawain ay upang hindi na sa gagawa pa pag sapit ng Sabado at Linggo dahil ito ay inilalaan na nila para sa pamilya nila. Ngayon tatalakayin ko naman ang tungkol sa mga working college students sapagkat ang mga working at non-working students ay magkaiba ng routine.


Hindi katulad ng mga ordinaryong estudyante, ang mga working students ay mas gahol sa kanilang oras. Kadalasan ay hindi sila nakakapasok sa lahat ng klase nila kaya tuwing gabi o kung ano mang oras sila nakakauwi ay doon pa lamang sila nakakagawa ng mga activities nila. Sa maikiling oras na inilalaan nila sa araw-araw ay pinag-aaralan nila ang mga lectures sa abot ng kanilang makakaya at nagpapasa agad ng mga contribution nila sa mga group activities at projects.


Tuwing day off lamang sila nakakahabol ng mga kailangang ipasa nila na nagsasanhi din ng kakulangan sa pahinga dahil kinakailangan pa din nila gumising ng maaga upang makapagsimula agad. May iba na kahit nasa trabaho ay gumagawa sila tuwing oras ng break nila upang mabawasan kahit papaano ang mga gawain nila. Hindi man pare-pareho ang mga daily routine nila sa pag-aaral ngunit lahat sila ay nagsisikap upang makapagtapos.


Ang pandemyang ito ay naging isang malaking hamon sa kanila sapagkat nalimitahan nito ang kanilang mga kilos na siyang magpapadali sana sa kanilang mga gawain. Magkakaiba man sila ng oras ay magkakapareho naman sila na nagpupursigi sa pag-aaral.


Comments


bottom of page