Kape. Is. Life.
- Joy Angustia
- Oct 28, 2021
- 1 min read
Updated: Nov 23, 2021
Pst! Kape ka muna!!
Sino ba naman ang hindi maaakit sa aroma ng mga coffee beans sa mga coffee shop?
Naalala ko dati, bago ako makabalik sa kolehiyo, nagtrabaho ako sa isang cafe at nakakaenjoy pala ang uminom ng kape. And I wanna be honest with you na di talaga ako fan ng kape dahil TEAM GATAS talaga ako eversince tapos best partner sa tasty na may peanut butter.
At dahil sa sobrang americano na naserve ko sa customer namin ay napatikim ako ng wala sa oras ng kape; for the first time.
Hindi ko makalimutan na nagpalpitate ako no'n dahil sunod kong sinubukan yung 1 shot ng espresso. Di ko na inulit kasi di ko kaya yung pait kaya iba naman yung sinubukan ko; Cafe Latte naman. At doon ako nasarapan, halos maya't-maya ako nagkakape non sa shop tapos partner ko red velvet cupcake.
3 years na rin ang lumipas at iba pa rin ang tama sa akin ng cafe latte. Sa katunayan, kahit sa tanghaling tapat nagkakape ako ng 3-in-1 coffee; at ang pinakapaborito ko ay Nescafe Original.
Iniisip ko nga ano bang dulot sa akin ng kape?
At naalala ko palagi ano ba ang ganap ko pagtapos ko magkape; mabilis akong makadumi.
Mas effective siya sa tea, pero syempre di ko naman minamaliit yung herbal drinks.
Alam ko, marami ang may ayaw ng kape, pero maraming magandang dulot ang kape sa ating katawan. Gaya ng pagbibigay nito ng enerhiya sa atin at nagiging daan para mas maging aktibo sa pagharap ng araw dahil stimulant ang caffeine.
At base sa aking karanasan, ang kape ay masarap sa lalamunan lalo na kung napakainit.
Teka, tanong ko lang NAGKAPE KA NA BA?
Commentaires