top of page

Kalidad ng buhay ng 57% pinoy, bumababa

  • Writer: Jasmin Escobar
    Jasmin Escobar
  • Nov 24, 2021
  • 2 min read

๐™†๐™–๐™ก๐™ž๐™™๐™–๐™™ ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– 57% ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™—๐™ช๐™ข๐™–๐™—๐™–๐™—๐™– โ€“ ๐™Ž๐™’๐™Ž

Mahigit kalahati o 57 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing lumala ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong Martes.


Ang non-commissioned survey ay isinagawa mula Setyembre 12 hanggang 16, 2021, gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may edad 18 taong gulang pataas, sa buong bansa โ€” 300 bawat isa sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.


Tinanong ng SWS ang mga respondente ng sumusunod na tanong: "Kung ihahambing ang iyong kalidad ng buhay ngayon sa kung paano ito 12 buwan na nakalipas, masasabi mo ba na ang iyong kalidad ng buhay ay mas mabuti ngayon kaysa dati, katulad ng dati, o mas masahol pa ngayon kaysa dati?"


Karamihan o 57 porsyento ay nagsabing ang kanilang kalidad ng buhay ay lumala, 13 porsyento lamang ang nagsabing ito ay bumuti, at 29 porsyento ang nagsabi na ito ay nanatiling pareho na nagreresulta sa isang net gainer score na "extremely low" sa -44. Ito ay 13 puntos na mas mababa kaysa sa "very low" na net gainer score na -31 sa huling resulta ng survey noong Hunyo 2021.


Samantala, lumala ang net gainer scores sa lahat ng lugar. Ito ay pinakamababa sa Metro Manila sa -51, na binansagan ng SWS bilang "catastrophic." Ito ay 21 puntos sa ibaba ng -30 na naitala sa huling survey.


Bumaba rin ang iskor sa Mindanao ng 16 na puntos mula sa โ€œvery lowโ€ hanggang sa โ€œextremely lowโ€ o -31 hanggang -47.


Ganoon din ang nangyari sa Balance Luzon, na bumaba ng 14 puntos mula -27 hanggang -41. Nanatiling โ€œextremely lowโ€ ang score ng Visayas ngunit bumaba ng 6 na puntos mula -40 hanggang -46.


Lumala rin ang mga net gainer score para sa lahat ng grupo ng edukasyon maliban sa mga nagtapos sa kolehiyo kumpara noong Hunyo 2021.


Lumala ito mula sa "very low" hanggang sa "extremely low" sa mga hindi nagtapos sa elementarya, bumaba ng 9 na puntos mula -37 hanggang -46; mula sa "extremely low" hanggang sa "catastrophic" sa mga elementary graduates, bumaba ng 19 puntos mula -42 hanggang -31; lumala rin ito mula sa "very low" hanggang sa "extremely low" sa mga nagtapos ng junior high school, bumaba ng 16 na puntos mula -30 hanggang -46.


Gayunpaman, ang net gainer score ay bumaba mula sa "very low" hanggang sa "low" sa mga nagtapos sa kolehiyo, na tumaas ng 4 na puntos mula -30 hanggang -26.


Ang survey ay may sampling error margins na ยฑ3 percent para sa national percentage at ยฑ6 percent para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao, sabi ng SWS.

Comments


bottom of page