Joel Villanueva, muling tatakbo sa Halalan 2022 sa pagkasenador
- Joy Angustia
- Oct 21, 2021
- 1 min read
Updated: Nov 23, 2021

𝑱𝒐𝒆𝒍 𝑽𝒊𝒍𝒍𝒂𝒏𝒖𝒆𝒗𝒂, 𝑴𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒕𝒂𝒌𝒃𝒐 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒔𝒆𝒏𝒂𝒅𝒐𝒓 𝒔𝒂 𝑫𝒂𝒓𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝑬𝒍𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 2022
Naghain na ng Certificate of Candidacy as an Independent sa Sofitel Tent sa Pasay si TESDAMAN Joel Villanueva upang muling tumakbo sa pagkasenador ng bansa.
Ayon sa kanyang facebook post, kasabay ng kanyang aplikasyon ay ang kanyang misyong ipagpatuloy ang pag-gawa at paglikha ng trabaho.
Dagdag pa niya, buo rin ang kanyang puso na suungin ang hamon ng paglilingkod para sa bayan.
"Dahil alam kong kasama ko po kayo sa laban"
ani ng Senador.
Ilan sa mga batas na naipasa na ng Senador ngayong pandemya ay ang mga sumusunod:
Tulong-Trabaho Law
Doktor Para Sa Bayan Law
Work From Home Law
Matatandaang pangalawa si TESDAMAN sa nakakuha ng pinakamataas na boto na umabot pa nga sa 18, 459,222 noong 2016.
Samantala, plano ng Senador na magsanay ng mga kabatang atleta sa kanyang bayang kinalakhan bilang pagtupad sa pangarap ng kanyang yumaong kapatid na si Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna.
Comments