top of page

Excuse absence para sa mga government employee na magpapabakuna

  • Writer: Jerome Cabaltera
    Jerome Cabaltera
  • Nov 25, 2021
  • 1 min read



๐Œ๐ ๐š ๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐ซ๐š๐›๐š๐ก๐จ ๐ฌ๐š ๐ ๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐จ, ๐ฆ๐š๐ฒ '๐ž๐ฑ๐œ๐ฎ๐ฌ๐ž๐ ๐š๐›๐ฌ๐ž๐ง๐œ๐ž' ๐ฌ๐š ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ค๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š


Ayon sa Civil Service Comission (CSC) ang pagliban sa pagpasok ng mga government workers sa araw ng kanilang una at pangalawang dose, maging ang susunod pang "booster shots" na bakuna kontra COVID-19 ay ituturing na "excused absence".


Alinsunod sa ipinatupad na Memorandum Circular no.16 nitong ika-12 ng Nobyembre, lahat ng mga nagtatrabaho sa gobyerno ay dapat magpakita at magbigay ng kanilang schedule na kung saan ay nakalagay rito ang araw ng kanilang pagbabakuna, maging ang kanilang vaccination card upang makapagsumite ng kanilang "application for leave of absence" na di tatagal ng limang araw o higit pa.


Sa mga nakaranas naman ng "side effects" dahil sa bakuna at kinailangan ng agarang gamutan ay makakatanggap naman ng "leave of absence" na aabot sa labinlimang araw.


Nagpaalala rin ang Civil Service Comission sa mga empleyado na nilubos ang kanilang leave of absence, saad ng CSC na ang sinumang empleyado na lumagpas sa kaukulang araw ng kanilang pagliban ay hindi na kasama sa kanilang leave of absence bagkus ay matatawag ng "sick leave" na kung saan ay mababawas dito ang kanilang "sick leave credits".


Dagdag pa ng CSC, kung maubos ng isang empleyado ang kanyang sick leave credits ay magagamit nito ang kanyang vacation leave credits batay sa Section 56 ng Omnibus Rules of Leave. Kung lumagpas pa at magamit ang kaniyang vacation leave, upang mabigyan ng kaayusan ay kailangan nyang mag apply ng "sick leave of abscence without pay."


Comments


bottom of page