top of page

Entry ban pinatupad

  • Writer: Karina Iglesias
    Karina Iglesias
  • Dec 7, 2021
  • 1 min read

๐„๐ง๐ญ๐ซ๐ฒ ๐›๐š๐ง, ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐š๐ง ๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐š๐ง๐ญ๐š๐ฅ๐š ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐จ๐ค ๐ง๐  ๐Ž๐ฆ๐ข๐œ๐ซ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š


Ang paghihigpit sa paglalakbay ay makakatulong lamang sa mga bansa na magkaroon ng karagdagang oras upang maghanda para sa mga bagong surge sa banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron, ayon sa World Health Organization (WHO).


Ang mga pinuno ng gobyerno sa rehiyon ng Kanlurang Pasipiko ay hinihikayat na samantalahin ang pagkakataon na ito bago dumating ang Omicron sa kani-kanilang mga bansa, saad ng mga kinatawan ng WHO.


Sa briefing na ginanap noong Biyernes, sinaad ni Dr. Babatunde Olowokure, WHO Regional Director, na maaaring maantala nito ang pagpasok ng virus sa bansa ngunit dapat pa din maging handa ang lahat. Ito ay sinang-ayunan din ni Dr. Takeshi Kasai, WHO Regional Director ng Kanlurang Pasipiko.


Base sa datos ay mas nakakahawa ang Omicron kaya't mahalaga na maging handa sa paglaganap nito. Parehong sinabi nina Kasai at Olowokure na hindi pa kailangang baguhin ang kasalukuyang diskarte laban sa COVID-19 habang itinutulak nilang palakihin ang saklaw ng bakuna at ang mahigpit na pagpapatupad ng mga protocol sa kalusugan.


Sa Kanlurang Pasipiko, ang variant ng Omicron ay natukoy na sa Australia, Hong Kong, Japan, at South Korea. Ang Rehiyon ng Kanlurang Pasipiko ng WHO, na naka-headquarter sa Maynila, ay sumasaklaw sa 37 bansa at lugar.


Nauna nang sinabi ng local pandemic response task force na ang mga bansa lamang na may mga lokal na kaso ng Omicron ang inilalagay sa ilalim ng Red List. Ang gobyerno ay nagpapataw ng entry ban sa mga manlalakbay mula sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15.

Comments


bottom of page