top of page

Dalawang kaso ng Omicron variant, naitala sa bansa

  • Writer: Joy Angustia
    Joy Angustia
  • Dec 16, 2021
  • 1 min read

𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐦𝐢𝐜𝐫𝐨𝐧 𝐕𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐭 𝐜𝐚𝐬𝐞, 𝐧𝐚𝐢𝐭𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐃𝐎𝐇


Sa press release na inilabas ng Department of Health (DOH), kinumpirma na may dalawang case na ng Omicron (B.1.1.529) variant sa loob ng bansa ngayong Myerkules, ika-15 ng Disyembre.


Ang dalawang kaso ay nadetect mula sa 48 samples na naigenome sequence kahapon, ika-14 ng Disyembre.


Ang isa ay Returning Overseas Filipino (ROF) na umuwi galing sa Japan noong December 5, 2021 via Philippine Airlines na may flight no. 0427.


Samantalang ang isa naman ay isang Nigerian national na dumating sa bansa via Oman Air na may flight no. wy843 noong ika-30 ng Nobyembre.


Ayon sa ahensya, ang dalawang may kaso ay kasalukuyang nasa isolated facility at binabantayan ng Bureau of Quarantine (BOQ) habang tinitingnan pa ang mga posibleng nakaclose-contact ng mga nainfect ng nasabing virus.


Nanawagan din ang DOH na makipag-ugnayan sa kanilang ahensya ang mga pasaherong nakasakay sa mga nasabing flight at tumawag sa DOH hotline 02-8942-6843.


Samantala, ayon sa World Health Organization (WHO), 77 bansa na ang nakitaan ng Omicron variant.

Comments


bottom of page