top of page

Bro. Eddie C. Villanueva, may panawagan sa publiko

  • Writer: Joy Angustia
    Joy Angustia
  • Nov 24, 2021
  • 1 min read

๐ƒ๐ž๐ฉ๐ฎ๐ญ๐ฒ ๐’๐ฉ๐ž๐š๐ค๐ž๐ซ ๐๐ซ๐จ. ๐„๐๐๐ข๐ž ๐‚. ๐•๐ข๐ฅ๐ฅ๐š๐ง๐ฎ๐ž๐ฏ๐š, ๐ง๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ฉ๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ

Nanawagan sa publiko si Deputy Speaker Bro. Eddie C. Villanueva na huwag iboto ang mga kandidatong sumusuporta sa e-sabong at iba pang klase ng online gambling.

Aniya, suriin nang mabuti ang mga ihahalal sa darating na 2022 elections.


Ayon pa sa kanya, mas malaki ang magiging masamang epekto nito sa lipunan kaysa sa kikitain ng gobyerno rito. Gaya diumano ng isang lalaking pamilyado mula sa Tambubong, Bocaue, Bulacan na nagpakamatay dahil sa labis na pagkahumaling sa online-cockfighting kung kaya't naisanla ang kanilang tirahan at kalauna'y nagpakamatay.


Naalarma na rin ang PAGCOR kung kaya't hinikayat ang publiko na isumbong sa kanila ang mga e-sabong websites na maaaring makaabot sa ibang bansa upang maiwasan na makataya ang mga OFW.


Sa kabila ng oposisyon, sa pamamagitan ng bill na naifile ni Rep. Arnolfo Teves Jr., ang Visayas Cockers Club Inc. ay pinayagan nang mag-operate online kahit saang lugar sa loob ng ating bansa.

Comments


bottom of page