Bayan Muna Partylist, naghain ng resolusyon
- Joy Angustia
- Dec 14, 2021
- 1 min read

๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ฅ๐๐ฉ๐ข - ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ฎ๐ง๐
Pinangunahan nila Bayan Muna Reps. Carlos Isagani T. Zarate, Ferdinang R. Gaite at Eufemia C. Cullamat ang paghahain ng Resolution no. 2412 ngayong araw, ika-14 ng Disyembre.
Nais nitong paimbestigahan ang pag-aalis ng mga National Heroes sa panahon ng World War II na sina Chief Justice Jose Abad Santos, Brig. Gen. Vicente Lim at ang founder ng Girl Scout of the Philippines na si Josefa Llanes Escoda sa P1,000 bill.
Base sa inilabas na resolusyon, ang pag-alis sa mga bayani ay parang pagpatay umano ulit sa kanila at mas masakit kaysa sa ginawa ng mga hapon dahil mismong pilipino pa raw ang nag-alis ng mga ito.
Hindi naman daw masamang ilagay ang mga hayop at halaman sa salapi, ngunit lalong mas mahalaga diumano ang pananatili ng mga bayani sa ating pera - lalo sa panahon ng historical revisionism.
Comments