top of page

Akomodasyon sa Baclaran Church, mas pinalawig

  • Writer: Jerome Cabaltera
    Jerome Cabaltera
  • Oct 28, 2021
  • 1 min read

Updated: Nov 23, 2021


Akomodasyon sa Baclaran Church mas pinalawig pa



Dahil ibinaba na sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR), mas marami na ang puwedeng makapasok at makadalo sa misa sa simbahan ngunit kinakailangan pa ring sumunod sa patakarang inihayag at tanging mga fully vaccinated lamang ang papayagang makapasok.


Ayon sa guidelines ng Parañaque LGU, 30% ang pinapayagan sa indoor religious gathering at 50% naman sa outdoor sa ilalim ng Alert Level 3. Sa pagpasok naman sa simbahan ay makikita agad ang mga guards na kumukumpirma ng vaccination cards at body temperature ng mga deboto habang pinapanatili parin ang social distancing.


Maaga namang nagtungo ang mga deboto sa Baclaran church at ang mga ilang nahuli ay sa labas na lamang nagdasal o sa kani kanilang sasakyan.

Umaasa rin ang mga nagtitinda malapit sa simbahan na tataas ang kanilang benta dahil sa dumaraming deboto.


Ang unang misa nitong Miyerkules ay pinangunahan ni Rev. Fr. Jose Dela Cruz. Nasa 10 misa sa isang araw ang nakatakdang gawin ng simbahan habang ang huling misa ay gaganapin sa oras ng ala- 6 ng hapon.

Comments


bottom of page